Home NATIONWIDE Kandidato sa pagka-gobernador sa Nueva Ecija pinagpapaliwanag sa ‘di magandang pananalita

Kandidato sa pagka-gobernador sa Nueva Ecija pinagpapaliwanag sa ‘di magandang pananalita

MANILA, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections (Comelec) si gubernatorial candidate Virgilio Bote dahil sa kanyang hindi magandang pananalita sa kanilang campaign rally.

Ito ay matapos siyang isyuhan ng Comelec ng show cause order nang banggitin niya ang karamdaman ng kanilang kalaban.

Sinabi ng Comelec na itinuturing itong pangungutya laban sa persons with disabilities (PWDs), na labag sa Comelec Resolution No. 1116 o ang Anti-Discrimination and fair Campaigning Guidelines kabilang ang diskriminasyon laban sa mga kababaihan at gender-based harassment.

Ang katunggali ni Bote sa gubernatorial race sa Nueva Ecija ay si Oyie Umali.

Binigyan naman ng Comelec si Bote ng tatlong araw na sagutin ang SCO.

“Failure on your part to comply with this Order shall be construed a waiver of your right to be heard and the filing of the appropriate case against you.” Jocelyn Tabangcura-Domenden