Home NATIONWIDE 42 dayuhan arestado sa operasyon ng BI sa Quezon

42 dayuhan arestado sa operasyon ng BI sa Quezon

MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na nasa 42 foreign national ang naaresto sa isinagawa nilang operasyon sa isang beach resort sa Barangay Villa Norte, Alabat, Quezon province Miyerkules ng umaga, Abril 9.

Nabatid sa BI na katuwang nila sa nasabing operasyon ang mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, at Calabarzon police batay sa mission order sa ilalim ng Executive Order 287, series of 2000, o Mission Orders for Verification and Investigation of Suspected Illegal Aliens.

Dinala ang mga naarestong dayuhan sa Police Regional Office 4A, Camp BGen Vicente Lim sa Calamba City para sa documentation at biometrics processing.

Nabatid na nasa kustodiya na ng BI ang mga naarestong dayuhan.

Isinagawa ang operasyon kasunod ng beripikasyon at imbestigasyon sa site kaugnay ng nasabing mission order. JAY Reyes