Manila, Philippines- Taken down na ang ilang campaign materials ni Mocha Uson.
Kabilang dito ang campaign jingle na may lyrics na “Cookie ni Mocha, ang sarap-sarap…”
Si Mocha na dating naglingkod sa isang ahensya sa pamahalaan sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tumatakbong Councilor sa lungsod ng Maynila.
Sinita ng Comelec Task Force na SAFE ang campaign materials ni Mocha calling these “sexually suggestive.”
May open letter din si Bataan District 1 Representative Roman na naka-address kay Mocha.
Ani Roman, “it is a missed chance to focus on meaningful issues and elevate the level of public discourse.”
May tendency din kasing ma-distract ang mga botante sa mga tunay na isyu na dapat pagtuunan ng pansin.
Ito’y sa kabila ng nauna ng paglilinaw ni Mocha na ang kanyang campaign jingle ay inspired ng kuwento ng isang breast cancer patient na nagmamay-ari ng panaderya.
Tumalima naman si Mocha sa nais mangyari ng Comelec.
Ending: hindi na aalingawngaw ang campaign jingle tungkol sa cookie ni Mocha. Ronnie Carrasco III