Home ENTERTAINMENT Dennis, masama ang loob sa kasal ng anak!

Dennis, masama ang loob sa kasal ng anak!

Manila, Philippines- Walang kasingtotoo ang kasabihang: “Time heals all wounds.”

Panahon lang pala ang kailangan para magkalapit muli ang mga puso ni Dennis Padilla at ng kanyang mga anak.

Sa wakas nga’y happy together anew si Dennis at ang kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.

On his Instagram page, ipinost ni Dennis ang larawan nila nina Julia, Claudia at Leon.

Also in the photo is the comedian’s mom o lola ng mga bagets.

Dumagsa ng mga positibong comments ang litrato na ‘yon which came with a very simple caption.

‘Yun nga lang, karamihan sa mga comments ay words of advice para kay Dennis.

Parang warning o babala na rin ‘yon para maiwasang magkaroon na naman ng isyu sa mag-aama.

Warning nila kay Dennis–huwag nang maging demanding sa oras ng kanyang mga anak.

Anila, natural daw kasi na habang lumalaki ang anak ay nagbabago na rin ang buhay nito most especially mga taong gustong makasama nito.

Iwasan na rin daw ni Dennis na konting kibot ay naka-emote agad sa social media.

Puwede naman daw kasing hindi ikumpisal sa social media ang dapat sana’y isyung pampamilya.

Ngunit may panibago na namang isyu ngayon.

May reklamo kasi si Dennis sa naging treatment sa kanya sa kasal ng kanyang anak na si Claudie kay Basti Lorenzo.

Sabi ni Dennis, imbes na maging ‘father of the bride,’ ay baging ‘visitor of the bride’ na lang siya.

Masama na naman ang loob ni Dennis sa pangyayari. Ronnie Carrasco III