Home METRO Kandidatura ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa kongreso, kinansela ng Comelec

Kandidatura ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa kongreso, kinansela ng Comelec

MANILA, Philippines – Hindi na makakatalbo bilang Kongresista ng unang distrito ng Lungsod si Marikina Mayor Marcy Teodoro matapos kanselahin ang kanyang kandidatura.

Ito ay matapos katigan ng poll body ang petisyon na inihain laban sa kanya ni Senador Koko Pimentel na kaniyang katunggali bilang kongresista dahil sa material misrepresentation .

Sa resolusyon ng Comelec, hindi katanggap-tanggap na paglipat niya ng tirahan at hindi rin umano nakikita ang alkalde na naninirahan sa bagong address nito na malabong naabot ang isang taon na residency requirement sa ilalim ng Saligang Batas.

Ayon sa Comelec, nagkaroon ng material misrepresentation nang sabihin nito na registered voter siya sa 1st district kahit na hindi pa aprubado ng Election Registration Board noong ihain ang kaniyang certificate of candidacy noong October 5.

Dahil dito, ipinag-utos ng Comelec ang tuluyang pagkansela ng COC ni Teodoro para sa pagtakbo sa 2025 midterm elections.

Inihain ang petisyon sa Comelec ni Senador Koko Pimentel na kaniyang katunggali bilang kongresista. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)