Home METRO Kanlaon 3 beses nagbuga ng abo

Kanlaon 3 beses nagbuga ng abo

242
0

BACOLOD CITY, Philippines – Tatlong beses nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong Lunes, na may kabuuang tagal na halos apat na oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang unang pagbuga ng abo ay naganap mula alas-7:28 hanggang alas-7:38 ng umaga, na nagdulot ng 300 metrong taas ng abo sa bunganga nito bago kumalat pakanluran.

Ang pangalawang emission ay mula alas-9:20 hanggang alas-10:54 ng umaga na nakitaan ng grayish plumes na tumaas hanggang 300 metro sa itaas ng crater, na kumalat naman sa kanluran-hilagang-kanluran.

Ang ikatlo at huling pagpapakawala nito ng abo ay nangyari ng alas-4:56 hanggang ala-6:59 ng hapon na bumubuo ng mga kulay-abo na tumaas nang 450 metro sa itaas ng bunganga bago lumipad patungong kanluran.

Iniulat din ng Phivolcs na ang Kanlaon ay nagtala ng 25 volcanic earthquakes noong Lunes. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here