MANILA, Philippines – Nais ng Commission on Elections (Comelec) na palawakin pa ang pagsasagawa ng Special Registration Anywhere Anytime Program (SRAP) nito.
Kasabay nito, nanawagan si Comelec Chairman George Garcia sa mga local offices nito dahil awtorisado naman aniya na magsagawa ng kanilang SRAP.
Payo ni Garcia sa mga lokal offices ng komisyon, huwag lang sa malls gawin ang nasabing programa.
Maari din aniyang subukan magsagawa ng SRAP sa mga unibersidad mismo.
Nangako naman si Garcia na ipapaskil nila sa kanilang mga social media pages ang schedules ng kanilang SRAP para mamonitor ng publiko kung nasaan ang mga ito at mabigyan ng pagkakataon ang taumbayan na mapuntahan at makibahagi sa naturang aktibidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden