MANILA, Philippines – Nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong umaga ng Sabado, Agosto 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa time-lapse camera footage na inilabas ng PHIVOLCS, makikita ang Bulkang Kanlaon na nagbuga ng voluminous grayish plume.
Umabot sa 150 metro sa taas ng summit crater ang ash emission.
“Alert Level 2 remains in effect over the volcano,” sinabi ng PHIVOLCS.
Samantala, nakapagtala naman ng walong volcanic earthquakes sa Kanlaon mula alas-12 ng madaling araw ng Biyernes hanggang alas-12 ng madaling araw ng Sabado. RNT/JGC