Home METRO Kano, misis pinagbabaril-patay sa Dumaguete

Kano, misis pinagbabaril-patay sa Dumaguete

1
0

DUMAGUETE CITY, Philippines – Patay ang isang 72-anyos na American national at kanyang 71-anyos na asawang Pinay matapos umanong pasukin ng mga armadong lalaki ang kanilang inuupahang bahay sa Barangay Bajumpandan, Dumaguete City nitong Miyerkes, Setyembre 2.

Kinilala ang mga biktima bilang sina Mark at Elsie Duell. Natagpuan silang wala nang buhay sa living room ng kanilang bahay at kapwa nagtamo ng multiple gunshot wounds.

Batay sa salaysay ng kanilang helper, pinasok umano ng mga suspek ang kanyang quarters makalipas ang hatinggabi at tinanong kung saan nakatago ang pera ng mag-asawa. Tinali umano siya bago nagtungo ang mga salarin sa bahagi ng bahay kung saan naroon ang mga biktima.

Bumuo na ang Negros Oriental Police Provincial Office ng special investigation task group para tutukan ang kaso. May dalawa nang persons of interest na tinukoy ang mga imbestigador, bagama’t hindi pa inilalabas ang kanilang pagkakakilanlan.

Hindi pa tiyak ang motibo sa krimen, ngunit kabilang sa tinitingnang anggulo ng pulisya ang robbery. Patuloy ding sinusuri ang CCTV footage at iba pang ebidensya upang matukoy ang mga salarin.

Nangyari ang insidente wala pang dalawang buwan matapos mapatay ang American marine scientist na si Dr. Kent Carpenter sa kanyang bahay sa Sibulan, Negros Oriental noong Hulyo.

Samantala, pinayagan na ng US Embassy sa Manila ang autopsy sa katawan ng American victim matapos magbigay ng pahintulot ang kanyang kapatid. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here