Home HOME BANNER STORY Kantyawerong kelot, pinugutan ng ‘brokenhearted’ na kainuman

Kantyawerong kelot, pinugutan ng ‘brokenhearted’ na kainuman

232
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos umanong pugutan ng ‘brokenhearted’ na kainuman sa Barangay Miputak, Dipolog City, Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon kay PMaj Evelyn Porras, deputy chief of police ng Dipolog City, magdamag na umiinom ang 44-anyos na biktima at ang 26-anyos na suspek sa labas ng bahay ng biktima.

Naiinis umano ang suspek sa patuloy na pangungutya ng biktima, na sinabihan niyang “brokenhearted” dahil sa nakaraang alitan sa live-in partner nito.

Umaksyon umano ang suspek at pinugutan ang biktima gamit ang itak.

Nakapiit na ang suspek sa Dipolog City Police Station at naisampa na ang kasong pagpatay. Residente siya ng Roxas at dumayo sa Dipolog para maghanapbuhay. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here