Home NATIONWIDE Kapasidad ng creek sa gilid ng Solis, Blumentritt NSCR stations dodoblehin ng...

Kapasidad ng creek sa gilid ng Solis, Blumentritt NSCR stations dodoblehin ng DOTR

239
0

MANILA, Philippines – Dodoblehin ng Department of Transportation (DOTr) ang kapasidad ng creek sa tabi ng Solis at Blumentritt Stations ng North-South Commuter Railway (NSCR) para mabawasan ang pagbaha habang patuloy ang pagtatayo nito.

Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na hindi dapat magdulot ng pagbaha ang mga proyekto ng gobyerno ayon na rin sa kautusan ng Pangulo.

Ayon kay Dizon, kailangan na hindi pabayaan ang mga flood control kaya naman kailangan doblehin ang kapasidad ng creek.

Nauna nang ininspeksyon ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang clearing operations sa Old Antipolo Road noong Agosto 12 bilang bahagi ng pagsisikap na mapabilis ang pagattayo ng Solis at Blumentritt NSCR. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here