Home METRO Kapitan ng Vietnamese ship arestado sa sexual harassment

Kapitan ng Vietnamese ship arestado sa sexual harassment

MANILA, Philippines – Inaresto ang kapitan ng isang Vietnamese ship sa umano’y sexual harassment nito sa babaeng Customs inspector sa Cebu International Port.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay nangyari habang nagsasagawa ng inspeksyon ang 28-anyos na complainant sa loob ng MV Tay San 3 na nakadaong sa CIP nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 13.

Sumakay ang biktima sa barko para sa inspeksyon bago ang nakatakdang pag-alis ng barko.

Habang nasa loob, inimbitahan siya ng suspek sa loob ng opisina.

Sinabi ni Police Chief Master Sgt. Elymar Mendoza, imbestigador ng maritime police, habang nasa loob ng opisina ay bigla na lamang siyang niyakap ng suspek saka dinakma ang kanyang dibdib.

“The complainant did not expect what happened. The captain locked the door. He probably assumed that the inspector was attracted to him. The job of the inspector was to go inside the office but she was wrestled, that’s why she had bruises,” ayon kay Mendoza.

Lumaban naman ang inspector sa pagsuntok sa suspek kaya ito nakatakas.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na sumakay ang complainant sa barko. Ang una ay ang inspeksyong isinagawa niya noong Martes.

Itinanggi ng suspek ang alegasyon laban sa kanya, at sinabing inimbitahan lamang niya ang biktima para magkape sa opisina.

Anang biktima, papatawarin niya ang suspek kung aaminin lamang nito ang ginawang kasalanan.

Dahil sa pagmamatigas ng suspek, nagdesisyon ang biktima na magsampa ng reklamo laban sa kapitan.

Nahaharap ang kapitan sa reklamo dahil sa acts of lasciviousness.

Hindi naman pinayagang makapaglayag ang barko habang nagpapatuloy ang reklamo laban sa kapitan. RNT/JGC