ENRILE, Cagayan- Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang barangay kapitan matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa loob mismo ng barangay hall sa Barangay 2, Enrile Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Kapitan Bernardo Gacuan ng Brgy. 2, Enrile, Cagayan.
Habang nasa barangay hall si Kapitan Gacuan ay biglang nilapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki na nakasuot ng white/black checkered long sleeves at pantalon saka binaril.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sakay ng Yamaha Aerox na kulay blue at black na walang plaka sa hindi pa malamang direksyon.
Kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang pulisya.
Kasunod nito, agad namang inalarma ng Enrile Police Station ang mga karatig na himpilan ng Pulisya sa Cagayan at Isabela para sa paglalatag ng Checkpoints na posibleng daanan ng mga suspek. Rey Velasco