Home ENTERTAINMENT Kapuso artists, dumagsa sa lamay ni Jaclyn!

Kapuso artists, dumagsa sa lamay ni Jaclyn!

Manila, Philippines – Halos mapuno na ang hallway ng Arlington ng bulaklak para sa yumaong si Jaclyn Jose na ang real name ay Jane Guck. Patunay ito na napakaraming nagmamahal sa kanya at nag-iwan siya ng napakalaking puwang sa buhay natin.

Biyernes ang nagsilbing Kapuso night na 2nd to the last night ng wake ng namayapang actress. Linggo ang inurnment at swerte na aabot pa ang isa niyang anak na si Gwen sa huling gabi.

Dumating si Philmar Alipayo, partner ng anak ni Jane na si Andi Eigenmann. Ginagawan siya ng fake news ng ilang walang pakundangang Youtubers ito kahit maayos naman ang pagsasama ng mga ito noong nabubuhay pa si Jane.

Ilan sa video clips na in-upload ni Carby Basina sa X, dating Twitter, ay naglalaman ng mga mensahe nina Lilybeth Rasonable, Gina Alajar, Andrea Torres, Dominic Zapata, at Alden Richards.

Dumating rin ang iba pang Kapuso artists gaya nina Kylie Padilla, Barbie Forteza, Jak Roberto, Angelu de Leon, Ina Feleo, atbp.

Pangatlong beses na ito ni Gladys Reyes na pumunta at si Bimbo Cerrudo naman ay first time. Nag-iwan din siya ng madamdaming mensahe at sinabing siya ang susundo kay Gwen sa airport.

Si Andi naman ay umaagos ang luhang nagpaabot ng pasasalamat sa umaapaw na pagmamahal para sa namayapang ina. Trixie Dauz

Previous articleMiyembro ng ‘Parojinog Group’ timbog sa Valenzuela
Next articleClaudine, inalala ang pagmumura ni Jaclyn!