Home ENTERTAINMENT Claudine, inalala ang pagmumura ni Jaclyn!

Claudine, inalala ang pagmumura ni Jaclyn!

Manila, Philippines – Itinuturing na ina-inahan ni Claudine Barretto sa showbiz ang namayapang aktres na si Jaclyn Jose.

Marami na rin kasi silang pinagsamahang teleserye tulad ng “Mula Sa Puso”, “Ikaw Ang Lahat Sa Akin” at iba pa.

Katunayan, ito rin daw ang takbuhan o hingahan niya ng problema kaya naman napakalaking dagok para sa kanya ang pagpanaw ng Cannes award-winning actress.

Bukod pa riyan, ilang blocks lang daw ang tinitirhan ng beteranang aktres sa kanilang bahay kaya maituturing niya itong kapitbahay.

Sa pagbabalik-tanaw niya sa vlog ni Ogie Diaz, sinabi niya na hindi niya makakalimutan iyong pagkakataon na nagalit sa kanya si Jaclyn.

Ito raw iyong time na nagkagulo ang Barretto sisters sa lamay ng kanilang ama noon.

Tinawag daw siyang bastos ng kanyang nanay-nanayang aktres.

“May instance na nagalit sa akin yan, mga dalawang buwan akong di kinausap. Pag nagalit sa akin takot na takot talaga ako.

“Sabi niya sa akin, ‘bastos ka.’ Nung namatay daddy ko tapos nagkaaway-away, sabi niya ‘bastos ka, hindi mo na nirerespeto daddy mo.’ Sabi niya, ‘wala akong pakialam sa mga kapatid mo dahil di kami close, pero ikaw anak kita, bakit mo pinayagan, bakit mo ginawa yan?'” ani Claudine.

Gayunpaman, hindi raw naman niya minasama ang ginawang iyon ng aktres sa kanya.

Ni hindi nga raw sumama ang loob niya lalo pa’t itinuturing niyang pagmamalasakit iyon mula sa isang nanay.

“So ganu’n siya, pagsasabihan niya ako talaga. Deretso siya. Magsasabi talaga na parang nanay na hindi naman ako mao-offend.”

Ani Claudine, ang pagkamatay daw ni Jaclyn ang isa sa pinakadinamdam niya tulad na lamang ng pagyao noon ng kanyang paboritong direktor na si Wenn Deramas.

Sa isa namang panayam, nangako si Claudine na magiging ate siya sa mga naulilang anak ni Jaclyn na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond Ilagan Guck. Archie Liao

Previous articleKapuso artists, dumagsa sa lamay ni Jaclyn!
Next articleAngel, walang hawak na CP, naka-socmed detox pa rin!