Home ENTERTAINMENT Angel, walang hawak na CP, naka-socmed detox pa rin!

Angel, walang hawak na CP, naka-socmed detox pa rin!

Manila, Philippines – Out of touch na si Angel Locsin sa outside world, and it’s by choice.

Mula sa best friend nitong si Dimples Romana, the “missing actress” has detoxified herself from social media.

Ultimo nga raw cellphone ay walang hawak si Angel.

And if ever may nangungumusta sa kanya, expect no reply from her.

Inamin ni Dimples na sinasadyang dumistansya ni Angel sa social media.

It has been more than a year na tahimik ang aktres.

No, hindi raw siya buntis sa asawang si Neil Arce.

It’s just that for the longest time daw ay parang nasa ilalim si Angel ng isang magnifying glass with people prying into her private life.

Ang pagiging pribado ang pilit na ina-adopt na rin ni Dimples.

She realizes that not every detail about her life ay kailangang ibahagi sa social media.

Kaya naman pini-filter o sinasala lang ni Dimples what is for public consumption.

Kahit daw si Angel everytime she visits her house, mas interesado pa raw ito sa kanyang mga anak na kinakaray niya.

Nothing much has changed daw sa kanilang pagkakaibigan.

Like old times, Angel and Dimples still eat together.

Nagkukulitan pa rin daw sila like they used to before.

The way Dimples looks at Angel ay masaya naman daw ito for the choices she made.

Ikalulungkot nga lang ng mga tagahanga ni Angel na malamang bagama’t narito lang ang aktres sa bansa, staging a showbiz comeback anytime soon does not seem to be in the horizon. Ronnie Carrasco III

Previous articleClaudine, inalala ang pagmumura ni Jaclyn!
Next articleMaulap na panahon asahan sa Amihan, easterlies