Home NATIONWIDE Maulap na panahon asahan sa Amihan, easterlies

Maulap na panahon asahan sa Amihan, easterlies

MANILA, Philippines – Makakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa hilaga at gitnang Luzon, habang ang easterlies naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.

Sa 24-hour weather forecast, sinabi ng PAGASA na magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang easterlies sa Caraga, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Cebu, at Bohol.

Magdudulot naman ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang northeast monsoon o amihan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, at Calabarzon, at bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan naman sa Ilocos Region.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa pinagsanib na epekto ng easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC

Previous articleAngel, walang hawak na CP, naka-socmed detox pa rin!
Next articleSRA nag-alok ng traders import opportunities kapalit ng pagbili ng lokal na asukal