Home METRO Kapwa mga parak inireklamo ng 26-anyos na patrolman sa hazing

Kapwa mga parak inireklamo ng 26-anyos na patrolman sa hazing

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang sinasabing insidente ng hazing sa pagitan ng mga parak.

Bale sa spot report, isang pulis ang biktima umano ng kapwa niya mga pulis sa Bgy. Macalauat, Angadanan, Isabela.

Dagdag pa na nagtamo ng pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang 26-anyos na Patrolman noong May 24 hanggang 25.

Aniya, ginulpi at pinagpapalo umano siya ng paddle ng tatlong kapwa pulis at binalot pa ng basang tela ang kanyang mukha habang binubugbog.

Sa kabilang banda, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo bigla na lang aniyang tumakbo palabas ng kampo ang biktimang pulis habang nagsasagawa ng isang immediate action drill.

“According to them ay wala namang naganap na hazing. In fact, nag-execute ng affidavit yung mga kaklase niya na ongoing yung kanilang immediate action drill na parte nung kanilang training course,” ani Fajardo.

Sa kabila nito, magkakaroon pa rin ng imbestigasyon sa insidente.

“Under investigation ito para to determine kung ano ba talaga yung ugat kung bakit bigla na lang tumakbo papapalabas ng kampo at hindi tinapos yung training nitong bata,” ani Fajardo. Santi Celario