Home METRO ‘Karahasan’ ng KOJC members pinabulaanan ng abogado

‘Karahasan’ ng KOJC members pinabulaanan ng abogado

MANILA, Philippines- Itinanggi ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) nitong Martes na naging marahas ang mga miyembro nito laban sa mga pulis na magsisilbi ng arrest warrant laban kay KOJC leader Apollo Quiboloy sa kanilang compound sa Davao City.

“Hindi po totoo na nag va-violence yung mga members po,” pahayag ni Atty. Dina Tolentino-Fuentes, abogadoo ng KOJC.

“They have allowed the police to enter the compound, they have allowed the police to search the premises. In fact, they have searched Jose Maria College 13 times already as of yesterday,” dagdag niya.

Nitong Lunes, sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na sinaktan ng KOJC members ang ilang mga pulis.

Aniya, mayrooon din silang video kung saan makikita umano na sinasaktan ng mga miyembro ang kanilang sarili upang sisihin ang mga pulis.

“We’re just waiting na ma-authenticate po ang video na ito to show how desperate these people are para ipakita na umaabuso ‘yung mga pulis natin, nanakit ‘yung mga pulis natin,” pahayag ng opisyal.

“But on the contrary, ‘yung mga pulis natin ang minumura, tinadyakan, at sinasaktan,” patuloy niya.

Iginiit naman ni Tolentino-Fuentes na hindi siya naniniwalang sasaktan ng KOJC members ang kanilang mga sarili.

“As far as I have known them since 2021, these people are truthful, honest, god fearing and if you see their compound, it’s very, very, very clean,” wika niya.

“They are clean in thought, word, and deed. I do not think that they will do that,” dagdag pa.

Pinasok ng kapulisan ang KOJC compound nitong Sabado upang magsilbi ng arrest warrant kay Quiboloy. Inihayag ng Police Regional Office 11 na hindi aalis ang units nito hangga’t hindi naaaresto ang pastor.

Kasunod nito, nagtipon ang mga taga-suporta sa harap ng compound upang tutulan ang presensya ng mga pulis.

Sa nasabing kilos-protesta, naaresto ang mga awtoridad ang 18 miyembro.

“The entire compound is closed off. Hindi na ho makapasok ang mga members without pahintulot nila. And they have not been allowing members to come in,” paglalahad naman ng abogado ng KOJC. RNT/SA