Home NATIONWIDE Karamihan ng Pinoys, gustong manirahan sa ibang bansa — survey

Karamihan ng Pinoys, gustong manirahan sa ibang bansa — survey

5
0

MANILA, Philippines — Mahigit kalahati ng mga Pilipino ang nagsabing handa silang manirahan o magtrabaho sa ibang bansa kung mabibigyan ng pagkakataon, ayon sa survey ng OCTA Research.

Pangunahing dahilan umano nito ang paghahanap ng mas magandang trabaho, mas mataas na sahod, at mas maayos na kalidad ng pamumuhay.

Lumabas sa survey na 60 porsiyento ng mga adultong Pilipino ang bukas sa paglipat sa ibang bansa. Pinakamataas ang interes sa migrasyon sa mga kabataang nasa edad 18 hanggang 24, kung saan 81 porsiyento ang nagsabing nais nilang lumipat, habang 75 porsiyento naman sa mga nasa edad 25 hanggang 34.

Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng mga respondent ang mas magandang oportunidad sa trabaho, mas mataas na kita, mas mahusay na serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at mas ligtas na kapaligiran.

Ayon sa OCTA Research, ipinakikita ng resulta ng survey ang hangarin ng maraming Pilipino na magkaroon ng mas magandang oportunidad at kondisyon ng pamumuhay sa ibang bansa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here