Home NATIONWIDE Karamihan sa mga evacuee sa bagyong Crising, Habagat mula sa Western Visayas...

Karamihan sa mga evacuee sa bagyong Crising, Habagat mula sa Western Visayas – DSWD

252
0

MANILA, Philippines – Karamihan sa mga lumikas dahil sa pananalasa ng bagyong Crising at patuloy na pag-ulan dulot ng habagat ay nagmula sa Western Visayas, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Lunes, Hulyo 21.

Sa ulat ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao sa panayam ng ANC, mahigit 3,900 pamilya mula sa Region 6 ang nananatili sa evacuation centers habang patuloy ang buhos ng ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Sa Negros Occidental pa lamang, higit 3,400 pamilya ang kasalukuyang nasa mga pansamantalang tirahan, ani Dumlao.

Sinabi rin niya na nasa ₱45 milyon na ang naipamahaging humanitarian assistance sa mga apektadong pamilya.

Gayunpaman, bukas pa rin aniya ang DSWD sa mga donasyon para sa patuloy na pagtugon sa mga nangangailangan.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 5,900 pamilya o tinatayang 20,000 katao ang kasalukuyang nasa evacuation centers sa buong bansa dulot ng sama ng panahon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here