Home NATIONWIDE Mga senior na PDL ibubukod na ng pasilidad sa Manila City Jail

Mga senior na PDL ibubukod na ng pasilidad sa Manila City Jail

323
0

MANILA, Philippines – Ibubukod na ang mga nakatatandang Persons Deprived of Liberty o PDLs sa Manila City Jail.

Ito ay upang mapangalagaan ang mga nagkaka-edad nang bilanggo kaya naman nilaanan sila ng pasilidad na tinawag na “Celda Sesenta’ sa male dormitory.

Isinagawa ang blessing at pagbubukas ng Celda Sesenta para sa mga PDL na edad 60 pataas, ayon kay JO2 Joan Sta. Ana, ang Chief Community Relations Service.

Ang bagong tayong pasilidad ay para lamang sa mga Senior Citizen Persons Deprived of Liberty (PDL) sa ilalim ng inisyatiba ni Supt. Lino M. Soriano upang matiyak ang kaligtasan, kalusugan at dignidad ng mga nakatatandang PDL.

Napag-alaman na 96 na senior citizen na PDL ang kayang i-accommodate sa Celda Sesenta na may bed bunks, living room o mess hall.

May nurse station din na pangangasiwaan ng BJMP Personnel Jail Nurse at mga jail nurse aide na PDL, at may ekslusibo ring wellness and care programs para sa mga nakatatanda.

Ayon kay Supt. Soriano, ang Celda Sesenta ay naaayon sa BJMP J.A.I.L. Plan 2040, patungkol sa wastong klasipikasyon at pangangasiwa ng mga PDL na may natatanging pangangailangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here