MANILA, Philippines – Mas maraming Filipino ang suma-sideline na para matustusan ang kanilang pangangailangang pinansyal, ayon sa market research firm na Kantar.
Ayon sa Kantar, 7 sa 10 Filipino ang nakakahanap ng paraan para matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya at karamihan sa mga ito ay kailangang rumaket pa ng iba’t ibang trabaho.
“This is based on the annual Shopperscope study of Kantar, wherein 2,000 households from across the Philippines were interviewed to share their point of view about their current financial disposition and personal economic outlook,” ayon pa sa Kantar.
Ipinakita sa pag-aaral ngayong taon na 73 perceng ng Filipino ay nagagawang maging madiskarte para maabot ang pangangailangang pinansyal ng pamilya. Kabilang sa diskarteng ito ay ang paghahanap ng iba pang dagdag na mga trabaho.
“Despite the challenges, Filipinos who are managing are looking for means to extend their resources. Our Shopperscope respondents who classify as managing reveal that they are adding an extra job on top of a regular one or are starting a business to augment their primary source of income. We’ve observed that this behavior has resulted to a ‘hustle culture’ among Filipinos, as they try to earn more but at the expense of time for chores, personal interests, and other activities,” pahayag ni Laurice Obana, Consumer and Shopper Insight Director ng Worldpanel Division of Kantar Philippines. RNT/JGC