MANILA, Philippines- Nagbabala ang toxic watchdog BAN toxics laban sa Halloween items habang ang mga tindahan ay nagsisimula nang magpakita ng mga item para sa maagang pamimili sa Halloween.
Binalaan ng grupo ang publiko laban sa pagbili ng mga costume at dekorasyon ng Halloween na maaaring naglalaman ng nakakalasong lead at cadmium– mga kemikal na nakalista bilang pangunahing mga alalahanin sa kalusugan ng publiko.
Sa kamakailang market monitoring ng BAN Toxics, anim na Halloween masks ang nasuri na may chemical content gamit ang Vanta C Series HH XRF Analyzer.
Nakakita ang grupo ng mga nakakalasong antas ng lead na hanggang 1,130 parts per million (ppm) at mga antas ng cadmium na hanggang 160 ppm.
Bukod pa rito, ang lahat ng masks ay nabigong matugunan ang umiiral na mga pamantayan sa pag-label ng produkto na ipinag-uutos ng RA 10620, o ang Toy and Game Safety Labeling Act of 2013.
“Parents should be wary of the creepy and scary presence of toxic chemicals in children’s products which may lead to various health problems,” ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics.
Ang Cadmium sa kabilang banda ay kilala na may nakakalasong epekto sa bato, skeletal system, respiratory system, at nauuri bilang isang human carcinogen. Jocelyn Tabangcura-Domenden