MANILA, Philippines – Ayon sa WR Numero Research, 55% ng mga Pilipino ang hindi kontento sa performance ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., habang 55% naman ang kuntento sa performance ni Vice President Sara Duterte.
Sa survey na isinagawa noong Hunyo 9–16, 2026, 36% lamang ang nagsabing kuntento sila kay Marcos, habang 10% ang hindi nakapagpasya.
Mas mataas ang satisfaction ni Sara Duterte, na umakyat sa 55% mula 44% noong Marso 2026. Samantala, 35% ang hindi kontento sa kanyang performance at 10% ang undecided.
Ayon sa WR Numero, nagpapakita ang resulta ng malinaw na pagkakahati ng opinyon ng mga Pilipino sa dalawang pinakamataas na halal na opisyal ng bansa.
Sa usapin ng political blocs, 37% ng mga respondent ang sumusuporta sa Duterte bloc, na siyang pinakamalaking grupo. Bumaba naman sa 18% ang suporta sa Marcos bloc, habang 20% ang kumikilala sa oposisyon at 24% ang nagsabing wala silang kinabibilangang grupo.
Nilahukan ang survey ng 1,432 Pilipinong may edad 18 pataas sa pamamagitan ng face-to-face interviews at may ±2.6% margin of error. RNT/MDS