MANILA, Philippines – Karapatan, kapakanan, pribilehiyo, at benepisyo ang isinusulong at ipinaglalaban para sa sektor ng mga nakatatanda kaya piniling katawanin ni Rep. Mila Magsaysay ang United Senior Citizens Partylist.
Sinabi ni Magsaysay sa kanilang submission ng Certificate of Nomination and Acceptance na isa sa kanyang isinulong sa Kongreso ang kakapasa lamang na “universal senior pension” para sa edad 60 pataas.
Giit ng mambabatas na wala nang mahirap at walang mayaman pagdating sa universal senior pension dahil lahat ay makakatanggap na ng benepisyo kapag ito ay naipatupad na.
Isa rin sa kanyang isinusulong ang discount ng mga seniors sa parking, at mga ayuda na nadedelay.
Sinabi ni Magsaysay na mayroong nang 1.6 milyong senior citizens sa bansa na kailangang bigyan ng karapatan mula sa gobyerno sa pamamagitan ng United Senior Citizens Partylist.
Itinutulak din na taasan ang pension ng mga nakatatanda mula P1,000 hanggang P3000 ngunit aniya, ito ay hindi pa kaya ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden