Home ENTERTAINMENT Karla, may giyera sa jowa ng ex!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Karla, may giyera sa jowa ng ex!January 21, 2025 15:39 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Pinag-uusapan ngayon ng mga tsismosang kapitbahay ang naging post ng fiancee ng ex ni Karla Estrada na si Jelli Aw.Si Jelli Aw ay engaged na sa former boyfriend ni Karla na si Jam Ignacio.Si Karla ay dating host ng programang “Face to Face” sa TV 5.Inanunsyo nila ang kanilang engagement noong Nobyembre ng nakaraang taon.Medyo nakakawindang kasi ang hugot nito sa kanyang IG kung saan diretsahan nitong kinumpronta ang aktres.Aniya: “Karla Estrada nanahimik ako! wag mo damay work ko, nanahimik ako mommy.”Sa kanya namang Instagram, nakakaintriga naman ang tila buweltang post ni Karla sa pagkumpronta sa kanya ng jowa ng ex.Caption niya :”Fame whore, low life people. I dont have time for this. But my lawyers have.Cyber Libel here we go.”Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon na nangangamoy daw ang giyera royale sa dalawa.Hirit pa ng kibitzers, malamang daw na humantong sa demandahan ang war ng dalawang mujer.Bukas naman ang pahinang ito sa panig nina Karla at ng dyowa ng kanyang ex hinggil sa usapin. Archie Liao