Manila, Philippines – By first week of February ay magsisimula nang gumiling ang campaign period para sa mga kumakandidato sa pambansang puwesto.
This mid-term elections ay 12 ang pipilin natin bilang senador sa araw ng eleksyon sa May 12.
Gawing-gawi ng mga himpilan sa TV na magtakda ng mga debate para higit nating makilala ang mga kandidato.
Sa partisipasyon nga naman ng mga ito nasusukat at nalalaman ng mga botante ang kanilang pananaw, plataporma de gobyerno at kung anu-ano pa.
Sa debate rin nalalaman ng electorate ang husay o kawalan ng mga ito sa pagsasalita sa paraang mas mauunawaan ng mga mamamayan.
Pero hindi lahat ng mga aspirants ay lumalahok sa mga debate.
Ano’t anuman ang dahilan, isa na si Karylle na naniniwalang dapat ay nakikilahok ang mga political hopefuls sa ganitong exercise.
Sa isang radio interview, ipinaliwanag ng singer-TV host na: “It’s our right as voters to demand that we see them participate in debates. It’s our right to hear them speak.”
Katwiran ng It’s Showtime host, paano raw makikilala ng mga botante ang mga kandidatong ayaw makilahok sa mga debate?
Sa anong paraan daw makikilatis ang mga kandidato–kung karapat-dapat ba silang iboto?
Kung tutuusin, ang debate na isinasagawa ng mga TV network ay pagbibigay ng pagkakataon sa mga kandidato to introduce themselves, allowing them to share what they can do once elected into office. Ronnie Carrasco III