Home METRO Top 1 MWP ng Pateros nasakote

Top 1 MWP ng Pateros nasakote

MANILA, Philippines- Arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pateros Municipal police sa pakikipagtulungan ng Naval Intelligence and Security Group (NISG) ang top 1 most wanted person (MWP) sa district level para sa buwan ng Enero ng taong kasalukuyan Miyerkules ng tanghali, Enero 15.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director PBGEN Manuel J. Abrugena ang nadakip na suspect na si alyas Mel, 18, isang pintor.

Base sa report na natanggap ni Abrugena, naganap ang pagkakaaresto kay alyas Mel dakong alas-12 ng tanghali sa Brgy. Ibayo-Tipas, Taguig City.

Sa bisa ng warrant of arrest ay nadakip si alyas Mel ng mga operatiba ng WSS at NISG.

Nahaharap ang suspect sa mga kasong paglabag sa Section 10(a) ng R.A. 7610 na may kaugnayan sa Sec. 5(j) ng R.A. 8369 na mayroong dalawa pang naka-pending na kasong criminal (Case Nos. 162011 at 162012).

Pinagkalooban ang suspek ng pagkakataong makapaglagak ng piyansang P80,000 sa bawat kasong kanyang kinahaharap para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pateros Municipal police ang suspek habang naghihintay ng commitment order ng korte para sa paglipat ng kanyang pagpipiitan sa Pateros Municipal Jail. James I. Catapusan