Home ENTERTAINMENT Kasal nina Bea at Vincent sa Spain, sa May 16 na!

Kasal nina Bea at Vincent sa Spain, sa May 16 na!

215
0

Manila, Philippines – Nakatakda na sa darating na May 16 ang pag-iisang-dibdib nina Bea Alonzo at ng negosyanteng nobyong si Vincent Co.

Ito’y makaraan ang anunsyo ng kanilang marriage banns sa isang simbahan sa Paco, Maynila.

Ayon sa ulat, magkakaroon ng palitan ng “I dos” ang magkasintahan sa isang pribadong vineyard sa Spain.

Ang vineyard ay pag-aari umano ng pamilya Co.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may apartment naman si Bea sa Madrid, kabisera ng Spain.

Sa itinakdang kasal nina Bea at Vincent, balitang may inarkila nang private plane na maghahatid sa mga dadalo.

Matatandaang Marso 8 nang ianunsyo ang una sa tatlong marriage banns nina Bea, 38, at Vincent, 44 sa St. Peter the Apostle Parish Church sa Paco, Manila.

Sa Paco rin inilagay ang place of residence ng magkasintahan.

Bea and Vincent have yet to announce their wedding in Spain themselves.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here