Home ENTERTAINMENT Kasal, pinag-uusapan na nina Cristine at Marco!

Kasal, pinag-uusapan na nina Cristine at Marco!

Manila, Philippines – May kasabihan ngang “Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.”

This is to be taken literally sa kaso ng magkasintahang Cristine Reyes at Marco Gumabao.

Ang romantic couple na ito ang naging mga panauhin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Visibly sweet to each other, napag-uusapan na rin pala nila ang kasal.

‘Yun nga lang, their discussion about their wedding ay hindi pa ganoon ka-extensive.

“Pakonti-konti,” konting tugon din mula sa aktres.

Ang maganda rito: if ever they make a go of their wedding plans ay wala nang balakid sa parte ni Cristine.

Boy Abunda probed into the status of Cristine’s marriage to former partner Ali Khatabi.

For the first time ay inamin ng aktres na napawalang-bisa na ang kanilang kasal.

It’s just that hindi ‘yon inaanunsyo ni Cristine: “I think it’s something to celebrate!”

Ikinasal sina Cristine at Ali noong January 27, 2016 sa Balesin Island sa Polilo, Quezon.

Dalawang taon pa lang silang nagsasama nang pumutok ang balitang shaky ang kanilang marriage.

Muling tumibok ang puso ni Cristine kay Marco sa kabila ng label sa kanya bilang “cougar” o babaeng pumapatol sa mas batang lalaki.

Good thing, never naging issue sa dalawa ang kanilang age gap.

Cristine turned 35. Ronnie Carrasco IIi