Home NATIONWIDE Kasinungalingan ni Imee sa con-ass, sinopla ni Lacson: ‘Pathological liar’

Kasinungalingan ni Imee sa con-ass, sinopla ni Lacson: ‘Pathological liar’

36
0

MANILA, Philippines – Tila itinuturo ni Senador Panfilo Lacson na pawang pathological liar o sagad-sa-buto ang kasinungalingan ni Senador Imee Marcos na plano ng minorya na agawin ang liderato sa Senado upang isulong ang constitutional assembly (Con-Ass).

Sa pahayag, mariing itinanggi ni Lacson nitong Biyernes ang “kasinungalingan” ni Imee tungkol sa isang umanong plano na agawin ang liderato ng Senado upang bigyang-daan ang constitutional amendments na magpapalawig sa termino ng mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Lacson, ang minority bloc ng Senado na kinabibilangan niya, ay hindi kailanman nakarinig ng ganitong usapin, lalo’t higit na natalakay ito sa kanilang mga caucus.

“Flat lies, outright lies. Kasinungalingan. Walang pag-uusap kami maski mga caucuses namin. Napakalimit naming mag-caucus sa minority never yan napagusapan never yan nabanggit ang con-ass. Kung may planong mag-conass di namin alam yan. Kung meron man at kung meron kaming narinig di namin alam kung anong end take na gusto nilang makita,” aniya sa panayam sa True FM.

“Hindi ko alam anong pinanggagalingan ng kanilang pananalita. Kung meron silang matibay na basehan bahala sila,” dagdag pa.

Sinabi pa ni Lacson na para sa tinatawag na “Mythical 11” — ang bansag sa minority bloc — ang pangunahing prayoridad ay ang paghahanap ng paraan upang maibalik ang tiwala at dangal ng Senado.

Aniya, sakaling makuha ng minority ang sapat na bilang upang muling makuha ang liderato ng Senado, tututukan nito ang pagpapabuti ng pananaw ng publiko sa institusyon.

“We love the Senate. Lahat kami nagkakaisa, Ibangon natin ang Senado first and foremost sa paningin ng ating mga kababayan. Kalimutan ang iba ibang issues, attendant sa pagpalit liderato. Sa amin ang primordial concern namin ang integrity ng Senate,” aniya.

Matatandaan na nagsinungaling si Imee sa kanyang resume sa Senate website na nagtapos siya sa Princeton University sa US, na mahigpit na pinabulaan ng naturang prestihiyosong pamantasan.

Bukod dito, nagsinungaling din si Imee sa pagsasbing nakapagtapos siya ng isang kurso sa University of the Philippines (UP) noon panahon ng diktadurya ni yumaong President Ferdinand Marcos Sr., na mahigpit din pinabulaanan ng pamantasan. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here