Home NATIONWIDE Kaso laban sa founder ng BREN Esports ibinasura ng DOJ

Kaso laban sa founder ng BREN Esports ibinasura ng DOJ

MANILA, Philippines – Inabswelto ng Department of Justice (DOJ) ang founder ng BREN Esports na si Bernard “Bern” Chong sa kasong falsification.

Inaprubahan ni DOJ Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon ang rekomendasyon ng panel of prosecutors na ibasura ang isinampang reklamo ng
National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa kakulangan ng sapat na batayan.

Ayon sa DOJ, masyadong malawak ang naging alegasyon ng NBI na pag-imprenta ng pekeng resibo noong Mayo 2023.

Pinuna ng DOJ na ang mga rekord na isinumite sa korte ay hindi isinaad ang period kung kailan si Bernard Chong ang may kontrol ng kumpanya.

Bigo rin ang NBI na tukuyin ang tunay na partisipasyon ni Chong sa pandaraya.

“Mere membership or being president does not mean knowledge, approval, or participation in the act alleged as criminal,” nakasaad sa desisyon.

Iginiit ng DOJ na kinakailangan patunayan maigi ang aktibong partisipasyon ni Chong sa pandaraya.

“Owing to the absence of an allegation and proof of their exact participation in the commission of the crime charged, it would be difficult, if not impossible, to prove the element of willful intent on their part,” dagdag ng DOJ.

Ang pagbasura sa kasong falsification laban kay Chong ay kasunod ng pag-abswelto rin sa kanya sa drug smuggling nitong nakaraang taon. Teresa Tavares

Previous articleChampionship sneakers ni MJ nabenta ng $8M
Next articlePoe naalarma sa hacking attempts vs. OWWA website