Home NATIONWIDE Poe naalarma sa hacking attempts vs. OWWA website

Poe naalarma sa hacking attempts vs. OWWA website

MANILA, Philippines – Lubhang naalarma si Senador Grace Poe sa tangkang hacking sa opisyal na website ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) na nangyari ilang buwan matapos illegal na pasukin ang ilang government websites.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na lubhang nakababahala at nakakagalit ang unang pagtangkang pasukin ang website ng ahensiya ng gobyerno.

“While the DICT foiled the intrusion try, the recent incident was a stark reminder that cyber attacks have become bolder and more relentless,” giit ni Poe.

Sinabi ni Poe na dapat maging hudyat sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan ang natuklasan ng Department of Information and Communication (DICT) hinggil sa panibagong hacking na nalalagay sa alanganin ang seguridad ng bansa.

“Concerned government agencies should take a cue from the findings of the DICT on the suspected source of threat actors on our privacy and security,” ayon kay Poe.

Iginiit pa ni Poe na dapat pagtibayin at palakasin ng lahat ng government agencies ang firewall at sistema ng kani-kanilang website upang tuluyan nang mapigilan at masawata ang hacking at mabigyan ng proteksiyon ang datos ng mamamayan.

“Fortifying website firewall and systems should be the task of all agencies maintaining online presence,” ani Poe.

“All means should be explored to keep the people’s data secure and uncompromised,” giit pa niya. Ernie Reyes