Home LIFESTYLE HEALTH Kaso ng leptospirosis sa Kyusi, lumobo!

Kaso ng leptospirosis sa Kyusi, lumobo!

298
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Quezon City government na tumaas ang mga kaso ng leptospirosis ngayon taon at umabot na sa 428 ang kaso nito sa lungsod matapos nagdaang bagyo at habagat nitong nakalipas na buwan.

Ayon kay Brian Miige ng QC Epidemiology and Surveilance Department sa kaso ng 428 na tinamaan ng leptospirosis 35 sa mga ito ang nasawi dahil sa naturang sakit.

Sa ginanap na QC Journalist Forum kanina (Martes) Agosto 12, 2025 sinabi ni Miige bukod sa kaso ng leptospirosis tumaas din ang mga kaso ng dengue sa lungsod.

“Tumaas ang mga kaso ng leptospirosis (QC)  dahil sa mga nakalipas nab aha” ayon pa kay Miige.

Nabatid pa kay Miige na sa 28 percent ng mga tinamaan ng leptospirosis sa Quezon City mula ito sa buwan ng Enero hanggang Hulyo ngayon taon.

Sinabi pa ni Miige na lumobo rin ang kaso ng dengue bunsod ng mga pag-ulan at pagbaha nitong nakalipas na buwan.

“Bukod sa leptospirosis tumaas din ang mga kaso ng dengue sa lungsod” sabi pa ni Miige.

Ayon sa imbestigasyon nasa 17 o 77 percent ng mga residente ang na-expose sa baha dahilan ng pagkakaroon ng sakit na leptospirosis at dengue.

Samantala sinabi naman ni Ms. Peachy De Leon spokesperson ng DRRMO ng Quezon City na isa sa naging dahilan ng pagbaha nitong nakalipas na bagyo at pag-ulan ay dahil sa mga basura na bumara sa ating mga drainage system lalo na sa Metro Manila.

Sinabi pa ni De Leon na hindi na rin sa akma ang mga drainage system sa kasalukuyan na naka design pa 20 years to 30 years  ago kaya hindi makayanan ang volume ng  tubig sa tuwin bumubuhos ang ulan. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here