Home NATIONWIDE Malakanyang sa WPS Jetski joke ni Vice Ganda: ‘wag maging balat-sibuyas

Malakanyang sa WPS Jetski joke ni Vice Ganda: ‘wag maging balat-sibuyas

261
0

MANILA, Philippines – “Hindi kailangang maging balat-sibuyas ang sinuman,” ito ang reaksyon ni Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro matapos hingan ng komento ukol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Vice Ganda na may kinalaman sa kanyang ‘jetski joke’ ukol sa West Philippine Sea (WPS).

Hinikayat nito ang publiko na huwag maging ‘overly sensitive.’

“Unang-una kasi, concert naman ‘yun. Parang show naman ‘yun. So, hindi kailangang maging balat-sibuyas ang sinuman,” ayon kay Castro.

Ang joke ni VIce Ganda ay inihayag nito sa kanyang “Super Divas The Concert.” , kung saan sinabi ni Vice Ganda na : “Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jetski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC [International Criminal Court]. Promo applies to DDS [Diehard Duterte Supporters] only. Pinklawans [Leni Robredo supporters] and BBMs [President Marcos supporters] are prohibited.”

Para kay Castro, ang nasabing joke ay hindi na bago.

“At ito naman talaga ay nangyari, jinoke ni dating Pangulong Duterte yung tungkol sa jetski. Sinabi pa niya na ang naniwala sa kanya sa sinabi niyang sasakay siya sa jetski para sa West Philippine Sea, sinabi niyang stupid,” anito sabay sabing so yung joke na iyon mas maraming nasaktan na mga filipino.”

“So, kung ito ay ginamit as part ng concert, siguro dapat hindi naman sila mapikon,” ang sinabi pa rin ni Castro.

“Kasi sinabi rin naman ito ng Pangulo (Duterte). Lahat naman halos sa mga sinabi ng Pangulo (Duterte), hindi naman lahat, karamihan sa sinasabi kapag medyo may mali.. ang sinasabi ng spokesperson niya.. joke. so, pero hindi naman tayo tumatawa kapag sinasabi naman na joke noon. So ngayon, maraming nanood so iyong mga ayaw siguro na mapanood iyong concert na iyon para hindi masyadong masaktan eh huwag ninyong panoorin,” ang dagdag na pahayag ni Castro.

Samantala, binigyang diin naman ni Castro ang pagiging “strong leader” ni Pangulong Marcos kasunod ng kamakailan lamang na insidente sa Bajo de Masinloc na kinasasangkutan ng Chinese at Philippine vessels.

“Unang-una po, mapapakita natin kung gaano ba ka-strong leader ang ating Pangulo pagdating po sa ganiyang issue. Unang-una po sa nagbanggaan na dalawang Chinese vessels, makikita ninyo po kung papaano ba mamuno ang ating Pangulo dahil kahit na tayo iyong hinahabol ng Chinese vessels, ang Philippine Coast Guard pero ninais pa rin nilang tumulong at magbigay ng ayuda or medical assistance kung kinakailangan ng mga nakasakay sa Chinese vessels na nagbanggaan. So, diyan natin makikita na kahit na pakiramdam natin ay tayo iyong naha-harass pero makakatulong pa rin ang mga Pilipino sa oras ng kagipitan,” ang sinabi ni Castro.

“At pangalawa naman po sinabi rin ng Pangulo na wala siyang ibibigay na panibagong instruction kundi mananatili pa rin ang pagprotekta sa karapatan ng Pilipinas, sa teritoryo at sa sovereign rights at maritime rights ng Pilipinas. At mananatili po tayo doon kung ano po iyong dating ginagawa, patuloy pa rin pong gagawin ng Philippine Coast Guard sa pagtulong sa mga mangingisda at pagprotekta sa ating maritime rights. At sinabi rin po niya na sa lahat ng laban ay hindi tayo aatras dahil ang mga Pilipino ay matatapang,” aniya pa rin. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here