MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng mga namamatay sa leptospirosis mula katapusan ng Oktubre hanggang Nobyembre kumpara sa kaparehong panahon noong 2023.
Sinabi ng DOH na mayrong 594 kaso sa buong bansa mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 9, 2024, na 2.5 beses mas mataas sa 234 kaso mula Oktubre 13 hanggang 26, 2023.
Mayroon naming 7,234 kaso ng leptospirosis sa buong bansa hanggang noong Nobyembre 23, 2024, o 19% na mas mataas mula sa 6,058 kaso sa kaparehong panahon noong 2023.
Itinuro ng DOH ang pagtaas sa kaso dahil sa mga bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng Pilipinas.
Sa kabila nito, iniulat ng ahensya ang 9.12% case fatality rate (CFR) ngayong taon, mas mababa sa 10.83% sa kaparehong panahon noong 2023.
“The continued decrease in CFR despite the rising number of leptospirosis cases this year is attributed to improved case management, with the anticipation that typhoons could flood different areas in the country,” saad sa pahayag ng DOH. RNT/JGC