Home ENTERTAINMENT Niño, nagbiro sa kaso nina Richard at Jojo!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Niño, nagbiro sa kaso nina Richard at Jojo!December 1, 2024 09:46 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Komedyante rin pala ang dating child wonder na si Niño Muhlach.Ito ang the other side na mismong siya ang nagbisto nang kapanayamin ng PEP.Inalam kasi ang updates sa kasong isinampa ng kanyang anak na si Sandro laban kina Jojo Nones at Richard Cruz.Dahil daw kasi sa inahaing motion to review ng mga ito’y hindi natuloy ang itinakdang arraignment sa kanila nitong November 26, Martes.Ang proseso ng arraignment ay pag-enter ng plea na guilty or not guilty ng kinasuhan.Dumalo si Sandro doon.Sixty days pa ang kailangang palipasin para itakda ang huli nang pagkakataong mag-enter ng plea sina Nones at Cruz.After which ay gugulo na raw ang hearing ng criminal case.Ani Niño, puwedeng weekly ito, o twice a month.Isa rin ang tinitiyak ni Niño–that his son will never bog down.Aniya, napaka-naive daw ni Sandro para mag-imbento ng kuwento, meaning, maninindigan ito sa bandang huli.Dito na pumasok ang comedic side ni Niño.Pagbibiro niya: “Ako na lang sana ang ginawan nila ng ganu’n nang matikman naman nila ang chorizo de Muhlach!“Hindi ko sinasabing maliit pero hindi kalakihan!”Sumang-ayon naman si Niño nang hingan siya ng pahintulot ng PEP kung maaaring isulat ‘yon.Sina Nones at Cruz ay nahaharap sa rape through sexual assault and acts of lasciviousness. Ronnie Carrasco III