Home NATIONWIDE Pagkukumpulan ng Chinese vessels sa Pag-asa island dahil sa masamang panahon

Pagkukumpulan ng Chinese vessels sa Pag-asa island dahil sa masamang panahon

MANILA, Philippines – Ang kamakailang iniulat na pagdagsa ng mga Chinese militia at fishing vessels sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS) ay dahil sa masamang panahon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa Saturday News Forum, sinabi ni PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela na ang bilang ng mga barko ng China sa territorial waters sa Pag-asa island ay bumaba sa 30 mula sa 90 noong mga nakaraang araw.

“If you are going to ask me what is the particular reason why the Chinese maritime militia started swarming dito sa Pag-asa, I would say it’s only because of the bad weather condition that compelled these vessels na mag-anchor malapit sa Pag-asa,” ani Tarriela.

Sa kabila nito, sinabi niya na nananatiling pangamba ang presensya ng mga barko ng China sa territorial waters ng Pilipinas.

“On the part of the PCG and support of the AFP, everytime these Chinese maritime militias are entering the territorial sea of Pag-asa we are religiously challenging them and informing them it is part of the territorial sea of the Philippines, that they do not have jurisdiction over these waters and they have to respect our sovereignty,” sinabi ni Tarriela.

Ang Pag-asa Island ay nasa 285 nautical miles mula sa Palawan. RNT/JGC