Home NATIONWIDE Urban Poor Solidarity Week 2024 nagsimula na

Urban Poor Solidarity Week 2024 nagsimula na

MANILA, Philippines – Opisyal nang sinimulan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang paghahanda para sa papalapit na Urban Poor Solidarity Week (UPSW) 2024.

Ang UPSW ay ang taunang selebrasyon mula Disyembre 2 hanggang 8 ng bawat taon na pinangungunahan ng PCUP sa ilalim ng Presidential Proclamation 367.

Lalahukan ang event ng mahigit 800 Urban Poor Organizations (UPOs) at partner agencies na magpapakita ng mga tagumpay nito sa iba’t ibang protekto at serbisyong ipinatupad ng Komisyon ngayong taon.

Highlight ng selebrasyon ang pagkilala sa outstanding urban poor advocates, kung saan ang mga award ay ibibigay sa best accredited Urban Poor Organization, Civil Society Organization, best Local Government Unit, at Champions of the Urban Poor.

Layon nitong kilalanin ang exemplary contributions ng mga organisasyon at ahensya na nagsisikap para pataasin ang urban poor at pagbutihin ang kalidad ng kanilang buhay.

Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “ONE BIG HAPPY FAMILY: Bagong Pilipinas, Bagong Tahanan para sa Maralitang Kababayan” na layong magbigay ng karagdagang serbisyo at suporta sa mga mahihirap. RNT/JGC