MANILA, Philippines – Posible pang tumaas ang bilang ng mga kaso ng bronchial asthma at acute exacerbation sa buong bansa sa gitna ng pagdiriwang ng Bagong Taon matapos makapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng 46 kaso.
Sinabi ng DOH na ang kasalukuyang tally ay nananatiling mababa ngunit naghahanda na para sa pagdagsa ng pasyente ng may mga kondisyon sa ‘baga’ dahil ilang mga lugar ang nagsimula nang magdiwng ng Bagong Taon sa paggamit ng mga paputok.
Pinayuhan naman ng ahensya ang publiko na nasa peligro na gumamit ng N95 masks o surgical masks, o tapan ang ilong at bibig ng basang towels sa panahon ng fireworks display upang maiwasan ang pagkalantad sa usok.
Bukod sa naturang sakit, sinabi ng DOH na kabuuang 142 firecracker-related injuries ang naitala sa bansa bago ang pagdiriwang ng New Year 2025.
Paulit-ulit na nagbabala ang DOH sa publiko tungkol sa panganib ng paggamit ng paputok ngayong holidays eason at hinikayat ang publiko na manood ng community fireworks display na inilagay ng mga propesyunal. Jocelyn Tabangcura-Domenden