Home METRO PANOORIN: Rambulan sa Maynila

PANOORIN: Rambulan sa Maynila

MANILA, Philippines – Naaktuhan ni Remate News Editor Nats Taboy ang rambulan ng mga motorcycle at tricycle driver sa harap ng Jose Reyes Memorial Medical Center sa Rizal Ave., Sta. Cruz, Manila, pasado alas-7:00 ng gabi nitong Linggo, Disyembre 29.

Sa impormasyon, nagsimula ang rambol sa pagtatalo sa trapiko. Makikita ang magkabilang grupo na nagpapaluan ng bakal at helmet na ikinasugat ng ilan, maging ng mga umaawat.

Natigil lang ang rambol nang may umalingawngaw na putok ng baril. Masuwerteng walang nasugatan mula sa putok ng baril. RNT