Home NATIONWIDE Mga piloto, pasahero sa bumagsak na eroplano sa Kazakhstan, kinilala ng Azerbaijan

Mga piloto, pasahero sa bumagsak na eroplano sa Kazakhstan, kinilala ng Azerbaijan

AZERBAIJAN – Kinilala ng Azerbaijan ang mga piloto at pasahero ng Azerbaijan Airlines passenger plane na bumagsak sa Kazakhstan.

Matatandaan na kumitil sa buhay ng 38 pasahero ang naturang plane crash.

Noong Miyerkules ay bumagsak ang Flight J2-8243 malapit sa Aktau, sa Kazakhstan matapos na mag-divert mula southern Russia dahil sa mga pag-atake ng naturang bansa sa Ukrainian drones.

Binigyan ng parangal sina Captain Igor Kshnyakin at co-pilot Alexander Kalyaninov, na kapwa ethnic Russians na may Azerbaijan citizenship, at Hokuma Aliyeva, isang flight attendant, sa isinagawang seremonya sa Alley of Honor sa central Baku.

Dinaluhan ito ni President Ilham Aliyev at asawang si Mehriban.

Pinuri ang mga piloto sa Azerbaijan sa pagbawas sa matinding impact nito sa pag-landing dahilan para makaligtas ang nasa 29 katao.

Ayon sa presidential office ng Azerbaihan, matapos ang hindi pa matukoy na insidente sa Russian airspace, sinubukang makipaglaban ang mga piloto para sa maayos na pagkontrol sa eroplano at naghanap ng maayos na landing spot.

“Only through the courage and professionalism of the pilots was an emergency landing successfully carried out,” pahayag ng Azerbaijan presidential office.

Ang Alley of Honor ay ang ‘most sacred modern burial ground’ sa Azerbaijan kung saan inililibing ang mga kilalang politiko, makata, at mga scientist. RNT/JGC