MANILA, Philippines – Umabot sa 288 ang mga kaso ng stroke, heart attack, at bronchial asthma sa bansa ngayong holiday season, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa datos mula Disyembre 21 hanggang 4 ng umaga ng Disyembre 31, 5% na mas mataas ito kumpara sa 274 na kaso noong 2024.
May kabuuang 5 na namatay, 3 dahil sa stroke at 2 dahil sa acute coronary syndrome.
Karamihan sa mga kaso ng acute coronary syndrome ay mga pasyente na may edad 60-69 (28 sa 77), at acute stroke (53 sa 180).
Samantala, 8 sa 31 na kaso ng bronchial asthma ay mga batang edad 0-9.
Pinapaalalahanan ng DOH ang publiko na:
– Iwasan ang sobrang pagkain, paninigarilyo, pag-inom, at stress
– Magpakonsulta agad kung hirap sa paghinga o sakit sa dibdib
– Panatilihin ang regular na blood pressure at physical activity
– Magpakonsulta agad kung may pamamanhid o panghihina sa anumang bahagi ng katawan
– Iwasan ang asthma triggers tulad ng alikabok o usok
– Panatilihin ang malinis na kapaligiran
– Laging ihanda ang inhalers at gamot
Nakaantabay ang DOH sa mga insidente kaugnay ng mga paputok hanggang Enero 5, 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden