Home NATIONWIDE Kaso ni Ang vs. Patidongan, ibinasura ng DOJ

Kaso ni Ang vs. Patidongan, ibinasura ng DOJ

284
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong inihain ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang laban sa kanyang dating empleyado na si Julie “Dondon” Patidongan, na nagdawit sa kanya sa pagkawala ng ilang “sabungero” o mga mahilig sa sabong.

Sa 19-pahinang resolusyon na may petsang Setyembre 30 at inilabas nitong Lunes, tinanggihan ng Mandaluyong Prosecutor’s Office ang mga reklamo laban kina Patidongan at Alan “Brown” Bantiles dahil sa kakulangan ng ebidensiyang magpapatunay ng “probable cause.”

Inakusahan ni Ang ang dalawa ng robbery-extortion, grave threats, grave coercion, slander, at incriminating an innocent person, at iginiit na humingi umano sila ng PHP300 milyon kapalit ng hindi pagsasangkot sa kanya sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ngunit batay sa imbestigasyon, mismong si Ang umano ang paulit-ulit na tumawag sa mga respondent, na taliwas sa kanyang paratang na siya’y tinatakot o tinototohan.

“First, the call logs show that all communications between complainant (Ang) and respondent Bantiles… were outgoing calls initiated by complainant himself,” ayon sa resolusyon.

Napuna rin ng mga piskal na patuloy pang sinuportahan ni Ang ang kandidatura ni Patidongan bilang alkalde, na umabot sa PHP12 milyon mula Pebrero hanggang Abril 2025 — panahon din umano ng diumano’y pangingikil.

“It would be difficult to reconcile how complainant… would still choose to fund the very person allegedly orchestrating a criminal scheme against him,” saad sa resolusyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here