Home TOP STORIES NavotaAs Art Scholarship Program

NavotaAs Art Scholarship Program

242
0

MANILA, Philippines – Labing-limang mahuhusay na kabataang Navoteño ang napili bilang mga bagong benepisyaryo ng NavotaAs Art Scholarship Program para sa school year 2025–2026, ayon sa anunsyo ng pamahalaang lungsod noong Huwebes.

Ang mga iskolar ay pinili mula sa limang larangan—biswal na sining, musika, sayaw, teatro, at malikhaing pagsulat—matapos dumaan sa masusing proseso ng pagpili.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, layunin ng programa na paigtingin ang suporta sa kabataang Navoteño na may talento sa sining at malikhaing pagpapahayag.

“Each scholar represents the boundless potential of our city’s young generation,” ani Tiangco, sabay diin na patuloy nilang susuportahan ang mga kabataan sa paghasa ng kanilang kakayahan.

Tatanggap ang bawat art scholar ng ₱16,500 kada academic year para sa allowance at transportasyon, at ₱20,000 para sa mga workshop at pagsasanay.

Simula nang itatag ito noong 2011, mahigit 1,000 mag-aaral at guro na ang natulungan ng NavotaAs Scholarship Program. Dagdag pa ni Tiangco, “Patuloy nating palalawakin ang mga programa para sa edukasyon at kabataan upang matulungan silang maabot ang kanilang pangarap.” Jojo Rabulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here