Home NATIONWIDE Kaso ni Digong sa ICC binabantayan ng Tsina

Kaso ni Digong sa ICC binabantayan ng Tsina

MANILA, Philippines – Binabantayan ng China ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng warrant ng International Criminal Court (ICC) para sa kasong crimes against humanity at nagbabala ito laban sa politisasyon at ‘double standard.’

Iginiit ni Mao Ning, tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry, na dapat sundin ng ICC ang mga legal na prinsipyo at gamitin ang kanilang kapangyarihan nang maingat.

Bagamat kilala si Duterte sa kanyang malapit na ugnayan sa China noong kanyang panunungkulan, itinanggi ni Bise Presidente Sara Duterte ang balitang humingi siya ng asylum sa China. Aniya, kusang bumalik ang dating pangulo sa Pilipinas upang harapin ang lokal na awtoridad.

Inaresto si Duterte pagdating niya mula Hong Kong sa Ninoy Aquino International Airport at inilipat sa Villamor Airbase. Lumipad siya patungong Rotterdam, Netherlands, at kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC sa The Hague. RNT