MANILA, Pilippines – ITINANGGI ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na pinigil ng law enforcers sa Estados Unidos si Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos.
”There is no truth that FL was held by any law enforcers while in LA or and in any other place,” ang sinabi ni Castro.
Sinabi ni Castro na dumating ng Maynila ang Unang Ginang, Lunes ng umaga.
Ang Unang Ginang ay nagkaroon ng working visit sa Estados Unidos para magpartisipa sa Meeting of the Minds at Manila International Film Festival. Siya ay nasa Miami, Florida at Los Angeles, California mula Marso 5 hanggang 8. RNT