Home NATIONWIDE Kaso vs ex-PRA chief Alberto Agra, ibinasura ng Sandiganbayan

Kaso vs ex-PRA chief Alberto Agra, ibinasura ng Sandiganbayan

1
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban sa dating Philippine Reclamation Authority (PRA) Chairman at ex-Justice Secretary Alberto Agra dahil sa “insufficient evidence.”

Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y hindi awtorisadong pagpapatupad ng 2021 memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng PRA at City of Bacoor para sa reclamation projects sa Bacoor Bay.

Sa resolusyong inilabas noong Hunyo 5, pinaboran ng Sandiganbayan Third Division ang demurrer to evidence ni Agra, kung saan kinatigan ng korte na siya ay isa lamang witness at hindi ang nag-apruba sa mga kasunduan.

Ayon sa korte, ang mga MOA ay pinirmahan ng PRA General Manager Atty. Janilo Rubiato batay sa desisyon ng Board of Directors, at si Agra ay pumirma lamang bilang saksi.

“The prosecution failed to prove that Agra represented, directed, or instructed the execution of the questioned MOAs as alleged in the information,” ayon sa korte.

Dagdag pa ng Sandiganbayan, walang ebidensya na nag-utos si Agra sa board na pumasok o ipatupad ang mga MOA, at walang patunay na itinago niya ang mahahalagang impormasyon.

Ayon sa desisyon, kung may pagkakamali man si Agra, ito ay maituturing lamang na “error of judgment” at hindi “manifest partiality, evident bad faith or gross inexcusable negligence” na kailangan sa kasong graft.

Pinuna rin ng korte na si Agra ay hindi inaasahang alam ang lahat ng detalye ng operasyon ng PRA, at walang konkretong ebidensya na naabisuhan siya tungkol sa mga legal opinion ng OGCC at DOJ.

Bilang resulta, inalis na rin ang Hold Departure Order laban kay Agra at ibinalik ang kanyang cash bond. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here