Home NATIONWIDE Marcos-vs-Duterte framing ng sigalot sa Senado, ibinasura ni Bam

Marcos-vs-Duterte framing ng sigalot sa Senado, ibinasura ni Bam

1
0

MANILA, Philippines – Hindi katanggap-tanggap kay Senador Bam Aquino na ituring na away ng kampo ng Marcos at Duterte ang nangyayaring sigalot sa liderado ng Senado dahil mas maraming Filipino ang gusto ng issue-based governance, independent sa halip na loyalty sa political blocs,

Sa panayam, sinabi ni Aquino na hindi naglalaro ang sigalot sa Senado sa pagitan ng kampo mng Marcos at Duterte na ginagamit upang lituhin ang bayan kahit hindi ganito ang pananaw ng mas maraming Filipino.

“’Yan ang pinakamalaking kasinungalingan ngayon na binibenta sa publiko na dalawang grupo lang, either Sara ka o Marcos ka. Mas marami sa mga kababayan natin, don’t want either,” ani Aquino.

Sinabi ni Aquino na mas maraming Filipino ang may gusto na lider na pawang independyente at kumikilos para sa kagalingan ng publiko, hindi ng iilan na isang bulok na sistema na nagpapahirap sa bayan.

“Mas marami sa mga Pilipino, sa tingin ko, nandito sa gitna. Naghahanap ng lunas, naghahanap ng tulong, naghahanap ng Senado at ng gobyerno na natutulong talaga sa kanila,” aniya.

Aniya, kailangan ng publiko na ipaalala sa opisyal na hindi dapat itinuturing na kagustuhan ng isang kampo pulitikal ang anumang pagkilos ng gobyerno matapos yanigin ang Mindanao ng matinding lindol nitong Lunes.

“Ang hinahanap ng tao, sino bang tutugon sa mga problema ko? Hindi yung, kanino-sino yung boss mo? Boss mo ba ito? Boss mo ba iyan? Dapat kami yung boss mo,” ani Aquino.

Sinabi ni Aquino na layunin ng bloke ni  Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian na bumalik ang Mataas na Kapulungan sa  “sense of normalcy” at pagtuunan ang reporma na kailangan ng taumbayan.

Kailangan nang kumalas ang Senado sa palagiang away-pulitika, drama at sigalot at bumalik sa pagtatrabaho sa plenaryo, pagdinig at lehislasyon.

“Bumalik tayo sa isang Senado na nagtatrabaho, na gumagawa ng mga reforma para sa Pilipino, at hindi na yung puro conflict, puro away, puro drama,” aniya.

Iginiit ni Aquino na nagkaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado dahil nabigong magkaroon ng sesyon sa tatlong sunod-sunod na araw na hindi matanggap ng maraming senador at empleyado.

Aniya, nakatindig ang pagkilos ng Gatchalian bloc sa desisyon ng Hudikatura, at nangyari sa Senado base sa 1949 Avelino v. Cuenco ruling at mga nakaraang quorum practices.   Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here